Tuesday, October 9, 2012

Banghay ng Noli me Tangere


                                                                  Suyuan sa Asotea 

Kinabukasan, Maagang -maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa, Nagyayang umuwi na si Maria.
Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay ay nagwalis ng mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiyago ay Binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan. Sumasasal sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat medyo namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa malabon o sa San Diego.
Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang pista.
Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na siya sa mga kaibigan sapagkat hinda na siya babalik sa beateryo.
Nanlamig at biglang nabitawan ni maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.
Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso.
Pamaya-maya, lumapit sila sa asotae upang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria ay laging nasa kanyang alaala.
Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng ina na wala siyang iibigin at paliligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan siya ng kanyang padre kompesor na limutin na niya si Ibarra.
Binikas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra. Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni maria ng sambong sa loob na kanyang sumbrerong upang hinda maitiman.
Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago tumulak ito patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kanyang mukha.
Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si Ibarra sa ibang bansa. Siya anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa mga buhay-buhay upang mapaglingkuran niya ang kanyang sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at kailangan ni Ibarra, siya ay handang magtiis na ipaubaya ang pansariling interes alang-alang sa kapakanang pambayan.
Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya. Napatigil sa pagbabasa si Maria. Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya "Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin. Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas ay undas na."
Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si Ibarra na pakisabi kay Anding na ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat magbabakasyon duon ang mag-ale. Tumango si Ibarra at umlis na ito.
Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiyago at inutusan na magtulos ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina San Roque at San Rafael.
Answers.com Wiki Answers > Buod ng kabanata 7 ng noli me tangere
      ~~~~~~~ Ang kabanata 7 ng Noli me Tangere ay ang nagsisilbing simula ng nobela sapagkat dito una nakilala ang mga pangunahing tauhan na sina Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Dito rin nangyari ang napipintong suliranin, ang pag - alis ni Ibarra papuntang San Diego.
Ang Pananghalian
Sa araw na iyon ay darating ang Heneral at tutuloy sa bahay ni Kapitan Tyago. Magkakaharap na nananghali ang mga mayayaman sa San Diego. Nasa magkabilang dulo ng hapag si Ibarra at ang alkalde mayor. Katabi ni Ibarra si Maria sa gawing kanan at ang eskribano naman sa kaliwa. Nandoon din sa hapag sina Kapitan Tyago, iba pang mga kapitan ng bayan ng San Diego, mga prayle, mga kawani ng pamahalaan at mga kaibigan nina Maria at Ibarra. Nagtaka naman ang karamihan sapagkat hindi pa dumarating si Padre Damaso.
Habang kumakain ay nag-uusap-usap ang mga nasa hapag. Napadako ang usapan sa hindi pagdating ni Padre Damaso, ang kamang-mangan ng mga magsasaka sa mga kubyertos, ang mga kursong nais nilang ipakuha sa kanilang mga anak, at kung ano-ano pa.
Pamaya-maya ay dumating na si Padre Damaso at lahat ay bumati sa kanya liban kay Ibarra. Sinimulan ng ihanda ang serbesa at sinimulan na rin ni Padre Damaso ang patutsada kay Ibarra. Tinangkang sumingit naman ang alkalde upang maiba ang usapan ngunit lalong nagumalpas ang dila ng pari. Hindi naman kumikibo si Ibarra at nagtimpi na lamang. Ngunit talagang nananadya si Padre Damaso kayat inungkat ang nangyari sa kanyang ama, bagay na hindi mapapayagan ni Ibarra kung kaya't dinaluhong nito ang pari at tangkang sasaksakin. Pinigilan naman ni Maria ang katipan kung kaya't bumalik ang hinahon ni Ibarra at umalis na lamang ito.”
~~~~~~  Ang kabanata 34 ay nagpapakita ng tumitinding galaw ng nobela dahil dito ay muntikan ng masaksak ni Ibarra si Padre Damaso.
Kabanata LIV 
Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa



Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Bago makapag salita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa kanyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. 
Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni Ibarra. Si Ibarra ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil. 
Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay.
~~~~~~~ Ang kabanata 54 ay sinasabing kasukdulan ng nobela sapagkat nalaman ni Elias na ninuno ni Ibarra si Pedro Eibarramendia na dahilan ng pagkawasak ng kanyang pamilya.
  

         Buod ng Kabanata 60 sa Noli me tangere

Naging bulung-bulungan ang gagawin pagbitay kay Crisostomo. Hindi iyon ang labis na ipinagdaramdam ni Maria Clara. Labis ang kaniyang kalungkutan sa pasiyang binuo ng kanyang ama. Ipakakasal siya kay Linares. Sa asotea, sa gitna ng kanyang kalungkutan ay dumating si Crisostomo. Tumakas ito mula sa kulungan. Nag-usap ang dalawa. Ipinalabas ang mga laman ng puso at isip. Matapos na mabatid ang katotohanan sa likod ng pagpapakasal ni Maria Clara, pinatawad ng binata ang dalaga at labis na nakadama ng kahabagan. Ilang saglit matapos na ipahayag na muli ang wagas na pag-ibig, umalis na si Crisostomo upang ituloy ang pagtakas.


Pagsulat ng bibliograpi


Ito ay aming pangkatang gawain sa pagsulat ng  bibliograpi.

Bibliograpi


Bibliograpi

  • 1. Bibliograpi tinatawag ding talaaklatan o talasanggunian ay listahan o talaan na mga aklat, peryodikal, jornal, magasin, pahayagan, di-limbag na batis tulad ng pelikula, programa sa telebisyon at radyo, tape, cassete, CD o VCD, website sa internet, at iba pang sangguniang ginagamit sa pananaliksik.
  • 2. Kahalagahan ng Bibliograpi Ginagamit ng taong nagsasaliksik; Patunay ng mananaliksik na ang lahat ng kanyang kaisipan o konseptong binanggit sa kanyang pag- aaral ay hindi haka- haka o opinyon lamang; Nagpapakita ng lawak at lalim ng pananaliksik na naisagawa ng tagapagsaliksik; at Nagtatakda ng kalidad o uri ng mga kaisipang isinasama ng tagapagsaliksik sa kanyang pag- aaral.
  • source:http://www.slideshare.net/daisy92081/bibliograpi
  • Halimbawa:
  • Dayag, Alma M. PLUMA 4 Wika aaat Pagbasa Para sa Batang Pilipino.Quezon City: Phoenix Publishing House, 2002.
  • source:http://filipinowikapanitikan-smcc.weebly.com/pagsulat-ng-talansangunian.html

Pangarap na Bituin (pagtatagumpay)


Ito ay isang awitin ng pagtatagumpay ng isang tao. 

Slogan (buhay ni Layo)


Ito ay ang aking slogan na may kinalaman sa pagtatagumpay ni Layo sa akdang " Sa lupa ng sariling byan". 

Sa Lupa ng sariling Bayan




Mga pahayag (hindi malaya)


Ito ay ang mga pahayag sa akdang saan patungo ang langaylangayan na nagpapahiwatig ng hindi pagiging
malaya.