Tuesday, October 9, 2012

Banghay ng Noli me Tangere


                                                                  Suyuan sa Asotea 

Kinabukasan, Maagang -maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa, Nagyayang umuwi na si Maria.
Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay ay nagwalis ng mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiyago ay Binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan. Sumasasal sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat medyo namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa malabon o sa San Diego.
Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang pista.
Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na siya sa mga kaibigan sapagkat hinda na siya babalik sa beateryo.
Nanlamig at biglang nabitawan ni maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.
Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso.
Pamaya-maya, lumapit sila sa asotae upang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria ay laging nasa kanyang alaala.
Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng ina na wala siyang iibigin at paliligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan siya ng kanyang padre kompesor na limutin na niya si Ibarra.
Binikas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra. Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni maria ng sambong sa loob na kanyang sumbrerong upang hinda maitiman.
Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago tumulak ito patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kanyang mukha.
Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si Ibarra sa ibang bansa. Siya anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa mga buhay-buhay upang mapaglingkuran niya ang kanyang sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at kailangan ni Ibarra, siya ay handang magtiis na ipaubaya ang pansariling interes alang-alang sa kapakanang pambayan.
Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya. Napatigil sa pagbabasa si Maria. Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya "Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin. Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas ay undas na."
Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si Ibarra na pakisabi kay Anding na ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat magbabakasyon duon ang mag-ale. Tumango si Ibarra at umlis na ito.
Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiyago at inutusan na magtulos ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina San Roque at San Rafael.
Answers.com Wiki Answers > Buod ng kabanata 7 ng noli me tangere
      ~~~~~~~ Ang kabanata 7 ng Noli me Tangere ay ang nagsisilbing simula ng nobela sapagkat dito una nakilala ang mga pangunahing tauhan na sina Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Dito rin nangyari ang napipintong suliranin, ang pag - alis ni Ibarra papuntang San Diego.
Ang Pananghalian
Sa araw na iyon ay darating ang Heneral at tutuloy sa bahay ni Kapitan Tyago. Magkakaharap na nananghali ang mga mayayaman sa San Diego. Nasa magkabilang dulo ng hapag si Ibarra at ang alkalde mayor. Katabi ni Ibarra si Maria sa gawing kanan at ang eskribano naman sa kaliwa. Nandoon din sa hapag sina Kapitan Tyago, iba pang mga kapitan ng bayan ng San Diego, mga prayle, mga kawani ng pamahalaan at mga kaibigan nina Maria at Ibarra. Nagtaka naman ang karamihan sapagkat hindi pa dumarating si Padre Damaso.
Habang kumakain ay nag-uusap-usap ang mga nasa hapag. Napadako ang usapan sa hindi pagdating ni Padre Damaso, ang kamang-mangan ng mga magsasaka sa mga kubyertos, ang mga kursong nais nilang ipakuha sa kanilang mga anak, at kung ano-ano pa.
Pamaya-maya ay dumating na si Padre Damaso at lahat ay bumati sa kanya liban kay Ibarra. Sinimulan ng ihanda ang serbesa at sinimulan na rin ni Padre Damaso ang patutsada kay Ibarra. Tinangkang sumingit naman ang alkalde upang maiba ang usapan ngunit lalong nagumalpas ang dila ng pari. Hindi naman kumikibo si Ibarra at nagtimpi na lamang. Ngunit talagang nananadya si Padre Damaso kayat inungkat ang nangyari sa kanyang ama, bagay na hindi mapapayagan ni Ibarra kung kaya't dinaluhong nito ang pari at tangkang sasaksakin. Pinigilan naman ni Maria ang katipan kung kaya't bumalik ang hinahon ni Ibarra at umalis na lamang ito.”
~~~~~~  Ang kabanata 34 ay nagpapakita ng tumitinding galaw ng nobela dahil dito ay muntikan ng masaksak ni Ibarra si Padre Damaso.
Kabanata LIV 
Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa



Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Bago makapag salita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa kanyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. 
Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni Ibarra. Si Ibarra ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil. 
Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay.
~~~~~~~ Ang kabanata 54 ay sinasabing kasukdulan ng nobela sapagkat nalaman ni Elias na ninuno ni Ibarra si Pedro Eibarramendia na dahilan ng pagkawasak ng kanyang pamilya.
  

         Buod ng Kabanata 60 sa Noli me tangere

Naging bulung-bulungan ang gagawin pagbitay kay Crisostomo. Hindi iyon ang labis na ipinagdaramdam ni Maria Clara. Labis ang kaniyang kalungkutan sa pasiyang binuo ng kanyang ama. Ipakakasal siya kay Linares. Sa asotea, sa gitna ng kanyang kalungkutan ay dumating si Crisostomo. Tumakas ito mula sa kulungan. Nag-usap ang dalawa. Ipinalabas ang mga laman ng puso at isip. Matapos na mabatid ang katotohanan sa likod ng pagpapakasal ni Maria Clara, pinatawad ng binata ang dalaga at labis na nakadama ng kahabagan. Ilang saglit matapos na ipahayag na muli ang wagas na pag-ibig, umalis na si Crisostomo upang ituloy ang pagtakas.


Pagsulat ng bibliograpi


Ito ay aming pangkatang gawain sa pagsulat ng  bibliograpi.

Bibliograpi


Bibliograpi

  • 1. Bibliograpi tinatawag ding talaaklatan o talasanggunian ay listahan o talaan na mga aklat, peryodikal, jornal, magasin, pahayagan, di-limbag na batis tulad ng pelikula, programa sa telebisyon at radyo, tape, cassete, CD o VCD, website sa internet, at iba pang sangguniang ginagamit sa pananaliksik.
  • 2. Kahalagahan ng Bibliograpi Ginagamit ng taong nagsasaliksik; Patunay ng mananaliksik na ang lahat ng kanyang kaisipan o konseptong binanggit sa kanyang pag- aaral ay hindi haka- haka o opinyon lamang; Nagpapakita ng lawak at lalim ng pananaliksik na naisagawa ng tagapagsaliksik; at Nagtatakda ng kalidad o uri ng mga kaisipang isinasama ng tagapagsaliksik sa kanyang pag- aaral.
  • source:http://www.slideshare.net/daisy92081/bibliograpi
  • Halimbawa:
  • Dayag, Alma M. PLUMA 4 Wika aaat Pagbasa Para sa Batang Pilipino.Quezon City: Phoenix Publishing House, 2002.
  • source:http://filipinowikapanitikan-smcc.weebly.com/pagsulat-ng-talansangunian.html

Pangarap na Bituin (pagtatagumpay)


Ito ay isang awitin ng pagtatagumpay ng isang tao. 

Slogan (buhay ni Layo)


Ito ay ang aking slogan na may kinalaman sa pagtatagumpay ni Layo sa akdang " Sa lupa ng sariling byan". 

Sa Lupa ng sariling Bayan




Mga pahayag (hindi malaya)


Ito ay ang mga pahayag sa akdang saan patungo ang langaylangayan na nagpapahiwatig ng hindi pagiging
malaya. 

Saan Patungo ang Langaylangayan

Pagsulat ng sanaysay "batang - bata ka pa"


Ito ay isang pagsulat  ng sanaysay tungkol sa pag - ibig. Ang aking napili ay ang pag - ibig
ng Diyos dahil mahal niya ko at mahal ko rin. Hindi niya ako pinababayaan.

Batang - bata ka pa

Ito ay isang awiting may kaugnayan sa akdang "Bagong Paraiso".

Interpretasyon sa Bagong paraiso


Ito ang pumasok sa aking isipan ng marinig ang pamagat sa " Sa Bagong Paraiso ". 

Impresyon sa akdang Bagong Paraiso


Ang impresyon sa akdang Bagong Paraiso 

Sariling wakas "Bagong Paraiso"


Pagkatapos suriin ng akda, kami ay pinagawa ng aming sariling wakas.  

Sa Bagong Paraiso


Ang Bagong Paraiso

Ito ay isang kuwento ng pag - iibigan ng dalawang tauhan na humantong sa kabiguan dahil
sa hindi pagsunod sa magulang. Sila'y walang kamalay -  malay  sa realidad ng buhay noong
sila'y mga bata pa. Dumating sa puntong palihim na silang nagkikita dahil sila'y pinag babawa-
lan ng kanilang mga magulang. 

Kanlungan "Sa tabi ng dagat"


Ito ay isa sa mga takdang - aralin namin na may kinalaman sa akda na tinalakay. Ito ay gumagamit
ng kalikasan upang mas maipahayag ang damdamin ng may - akda. 

Teoryang Romantisismo "Sa tabi ng dagat"


Teoryang Romantisismo
 Ito ay ang teorya ng ginamit sa tulang sa tabi ng dagat. Ito ay ang pagtakas sa katotohanan.
Mabisa ang isang akda kung ito ay ginagamitan ng kalikasan sa pagiging masining ng akda.

Ang Tanging Ina


Ito ang aking sariling gawang sanaysay. Naisulat ko dito ang pagmamahal at pagpapahalaga ko sa
aking ina. Kahit ako'y pasaway nandyan pa rin siya. 

Tugmaang Katinig "Sa tabi ng dagat"


Tugmaang Katinig

Sa Tabi ng Dagat




Ito ay ang tulang " Sa Tabi ng Dagat " ni Ildefonso Santos. Nilapatan namin ito ng tono
ng awiting breakaway ni Kelly Clarkson. Masaya ang aming naging pagtatanghal. Kahit
hindi namin naisagawa ng maayos ay pinuri pa rin kami ng aming guro sa Filipino. 

Teoryang Realismo Dekada '70


Ang teoryang realismo ay ang teorya na ginamit sa akda. Ito ay naglalahad ng mga pangyayaring
naganap o maaari ding mga dinaranas ng mga tao sa isang partikular na panahon.

Friday, October 5, 2012

Bisang Pandamdamin at Pangkaisipan


Takdang - aralin:

Bisang Pandamdamin at Bisang Pangkaisipan 

Mga Pangyayari noong Dekada '70


Takdang - aralin:

Mga totoong pangyayari noong Dekada '70

Dekada '70




Ikatlong Akda

Dekada '70 ni Lualhati Bautista



Kahapon, ngayon at bukas


Takdang - aralin:

Epekto ng dula sa sarili (Bisang Pangkaisipan at Bisang Pandamdamin) 

Kahapon, ngayon at bukas takdang - aralin


Takdang - aralin:

Mga tipikal na ugali o kaisipan ng mga Pilipino sa dula, mga dapat pahinain at palakasin:


Mga isinulat:

Bisang Pandamdamin: tumutukoy sa naging pagbabagong naganap sa         damdamin matapos mabasa ang isang akda.

Bisang Pangkaisipan: mga pagbabago sa isipan dahilan sa natutunan sa mga pangyayaring naganap sa binasa.      

Bisang Pangkaasalan: pagbabago sa sariling pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda.                                       

Teoryang Klasisismo
Ang klasisismo o klasismo ay isa sa teoryang pampanitikan ay nagmula sa Gresya, sinasabi rito na kaisipan muna kaysa sa damdamin. Mas higit na pinapahalagahan ang kaisipian kays sa damdamin. Ito ay kasalungat ng teoryang romantisismo. Ipinahahayag ng klasismo na ang isang akda ay hindi naluluma o nalalaos, sa kabilang dako ay nangyayari o nagaganap parin sa kasalukuyan. Nakasaad rin dito na nakatuon ang panitikan sa pinakamataas patungo sa pinakamabababang uri. Ibig sabihin, sa itaas matatagpuan ang kapangyarihan at kagandahan. Aristrokratiko ang pananaw na umiiral dito.
Ang teoryang ito ay ang nangingibabaw sa buong akda.

Ikalawang Akda

Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino

Thursday, October 4, 2012

Ang Guryon

Teoryang Imahismo

Ito ang teorya na nangingibabaw sa tulang Ang Guryon dahil  ito'y  kumakatawan
 sa mga bagay  na nabubuo sa isipanng mambabasa.

Ito ay mga iilang kasabihan na naglalarawan sa buhay ng isang tao.

Kung ako man ay bibigyan ng aking ama ng guryon na katulad ng  nasa sa  tula
ay tatanggapin ko ng buong puso. Ang nasa itaas ay aking tugon kung sakali mangyari sa
akin ang nakasaad sa akda.

Ang larawang ito ay sumisimbolo sa aking sarili.
Ako ay tila isang basong napuno na ng kalahati pero kailan man ay hindi
mapupuno sapagkat naniniwala akong lahat ng tao ay may katalinuhan pero
hindi pa sapat sa mata ng tao lalong-lalo na sa Diyos. Lahat tayo ay may mga
dapat pang matutunan kagaya ko na isang kabataan sa kasalukuyang henerasyon.
Dahil kapag puno na ang baso hindi na pwede itong madagdagan pa.


Ang unang takdang - aralin

Ang Guryon ni Ildefonso Santos
Mga aralin sa Ikalawang  Markahan